Tubig sa Angat dam, posibleng umabot na sa critical level sa Sabado.

by Erika Endraca | June 21, 2019 (Friday) | 4221

MANILA, Philippines – Pumalo na sa160.73 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam as of 6am kahapon (June 20).

Kaunting-unting na lamang at aabot na ito sa critical level na 160 meters. Sa taya ng National Water Resources Board (NWRB), inaasahang sa Sabado ay sasadsad na sa critical level ang angat dam.

“Officialy ang critical talaga natin ay 160 because of the operational limitations nung angat,near critical but officially hindi pa sya critical” ani Nwrb Executive Director Director  Servillo David.

Kapag nasa critical level na ang angat dam, muli na namang babawasan ng nwrb ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Water Works and Sewerage System(MWSS).

Mula sa 40 cubic meter per second (cms), ibaba pa ito sa 36 cms ang matatanggap na tubig ng Metro Manila,Cavite, Rizal at Bulacan mula sa angat dam.

Bunsod nito lalawak pa ang mga lugar na mawawalan ng tubig at mas hahaba pa ang oras ng water service interruptions.

Ayon sa maynilad at manila water muli silang maglalabas ng panibagong schedule ng water service interruptions ngayong araw ( June 21).

Nawagan sila ng kooperasyon at pang-unawa sa publiko na huwag mag-ipon ng sobra-sobrang tubig sa mga oras na mayroong suplay upang hindi maapektuhan ang oras ng water interruption.

“Wag mag hoard ng tubig kasi kapag marami pong customer naghoard nasira napo ang assumptions natin na water service interruptions kaya nasisira rin po ang oras” ani Maynilad President and Ceo Ramoncito Fernandez.

“We are trying our best to keep to the schedule but it cannot be perfect kung hindi magko-cooperate ang iba po nating kasamahan for responsible use at bigyan yung ibang kapitbahay natin lalo na yung nasa matataas na lugar at nasa dulo ng linya” ani Manila Water President and Ceo Ferdinand Dela Cruz.

Nakipagpulong kahapon  sa metropolitan manila development authority o MMDA ang NWRB,MWSS Maynilad at manila water upang pag-usapan kung paano rin makatutulong ang local government unit sa mga hakbang at kampanya sa nararanasang krisis sa tubig.

Binigyang diin ng mwss na sa ngayon ay prayoridad na munang mabigyan ng tubig ang mga bahay-bahay sa halip na mga negosyong nakadepende sa tubig.

Samantala, nauna nang sinabi ng nwrb at pagasa na tinatayang 2-3 bagyo ang kinakailangang dumating sa bansa na magpapaulan sa angat water shed upang mapuno ang dam at maresolba ang krisis sa tubig.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , , , ,