
MANILA, Philippines – Naniniwala ang mga kongresista na mayaman sa tubig ang Pilipinas pero hindi ito nagagamit ng tama kaya sa kabila ng maraming suplay ng tubig, ay nakakaranas ang bansa ng water crisis.
Isa umano sa halimbawa nito ay ang mga nasasayang na tubig tabang na pinakakawalan ng mga dam tuwing panahon ng tag-ulan na maaari naman sanang ipunin para magamit sa mga panahon na kapos sa suplay ang mga water concessionare.
Ayon kay Bulacan Representative Jonathan Sy-Alvarado hindi na biro ang water crisis na nararanasan ng bansa kaya dapat may isang departamanto nang mangasisiwa dito.
“Importante talaga na magkaroon tayo ng isang sistema ng pamamalakad ng tubig dito the chairman welcome the porposal na magkaroon tayo ng department of water ito ay long over due na na kailangan ng ng pilipinas dahil nakikita natin ang mismanagement ng tubig.” ani Bulacan Representative Jonathan Sy-Alvarado
Sa oversight hearing na isinagawa sa kamara isa sa mga suhestiyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ay ang humingi ng tulong sa mga water district.
Pero kasalukuyang pa nilang pinag-aaralan kung paano dadalhin ang tubig mula sa water district papunta sa mga costumer ng dalawang water consesiosnares.
“Our water districts we can ask them to help share their water resources although the problem maybe is how to transport the water.” ani Local Water Utilities Administration Acting Administrator Jeci Lapus.
“We support the plan to give us more water”ani Manila Water President Ferdinand Dela Cruz.
“Sa maynilad po we also welcoming the officer of administrator jeci lapus.”ani Maynilad President Ramoncito Fernandez
Nais naman ng makabayan bloc na managot ang dalawang water consessionare at ibalik sa gobyerno ang pamamahala sa distribusyon ng tubig.
“Captured market ang mga tao kapag tubig ang negosyo.”ani Bayan Muna Representative Carlos Zarate.
Lumabas rin sa pagdinig ang mga suhestiyon ng mga kongresista na ipunin ang mga tubig ulan at ang i-recycle ang mga ginamit na tubig sa mga establisimiyento gaya ng ginagawa sa ibang bansa. Samantala, bukas naman ang malakanyang sa anomang suhestyon para sa water crisis.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: Angat Dam, critical level, MWSS, supply ng tubig
METRO MANILA – Bumaba sa 193.06 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam kahapon (April 18) mula sa 195.10 meters noong April 11.
Batay sa monitoring na isinagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kada araw naman ay nasa 30-40 centimeter ang nababawas sa dam.
Pinangangambahan na umabot ang lebel ng tubig nito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat dam.
METRO MANILA – Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang plano nitong magpatupad ng water pressure reduction sa susunod na buwan sa Metro Manila.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mama-manage ng maayos ang suplay ng tubig sa NCR, ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-init sa bansa.
Paglilinaw ng MWSS, hindi naman mawawalan ng tubig ang mga customer kundi babawasan lamang ang pressure tuwing off peak hours.
Kung dati ay umaabot ng ikalawang palapag ng bahay ang tubig sa gripo, maaring hanggang first floor na lamang ang kayang maabot ng tubig kapag binawasan ang pressure nito.
METRO MANILA – Aprubado na ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang pagtaas sa singil ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa tariff adjustment bunsod naman ng inflation.
Para sa Maynilad customers, nasa P7.87 ang average increase sa kada cubic meter na konsumo.
Katumbas ito ng P4.74 na ang dagdag sa bill kada buwan para sa low-income lifeline consumers o nasa 10 cubic meters and below ang nakokonsumo .
P100.67 sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters at 205.87 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters.
Para naman sa Manila Water customers, average na dagdag na P6.41 sa kada cubic meter.
Ang epekto nito sa mga residential area na nasa low-income lifeline consumers ay dagdag na P2.96 sa buwanang bill .
Additional na P76.68 na dagdag para sa 20 cubic meters at 154.55 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters. Mag-uumpisa ang dagdag singil sa 2024.
Payo ng MWSS, sa mga maliliit lang ang sweldo at hindi hihigit sa 10 cubic meters ang konsumo ay maaari namang mag apply bilang mga lifeline customer.
Sa ganitong paaraan ay mas mababa ang magiging rate na kanilang babayaran.
Tags: Manila Water, Maynilad, MWSS