Tubig sa Angat Dam, nasa critical level na

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1617

ANGAT DAM
Pinutol na ng Angat Dam ang suplay ng tubig sa mga irigasyon dahil umabot na sa critical level ang tubig doon.

Kaninang umaga ay nasa 179.98 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Sinabi ng PAGASA, maituturing na itong critical level dahil kapag umabot na sa 180 meters ay otomatikong puputulin na alokasyon ng tubig para sa mga irigasyon.

Kasabay ding naapektuhan ay ang supply ng kuryente na nangagaling sa hydropower plant ng dam dahil naka depende rin ito sa pinakakawalang tubig patungo sa mga irigasyon.

Kaya sana nitong mag-generate ng hanggang 40 megawatts.

Sa ngayon ay kaya pang suplayan ng Angat Dam ang pangangailangan ng Metro Manila na 44 cubic meters per seconds.

Subalit nagpaalala na ang National Water Resources Board O NWRB sa mga consumer na magtipid dahil kung bababa pa sa 174 meters ang tubig sa Angat Dam ay posibleng mabawasan na ang oras ng pagdaloy ng tubig sa mga gripo.(Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: , ,