Tubig baha sa ilang bayan ng Bulacan, pinangangambahang mas tumaas pa dahil sa pagbaba ng tubig sa mga ilog mula sa Nueva Ecija.

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 1662

bulacan floods

Hanggang sa tatlong talampakan pa ang nararanasang baha ng mga residente sa ilang bayan sa bulacan sa pananalasa ng bagyong Lando.

Ngunit pinangangambahang mas tumaas pa ito dahil sa pagbaba ng tubig baha mula sa Nueva Ecija at pinakakawalang tubig ng Bustos dam.

Sa bayan ng Calumpit, Sampung barangay pa ang lubog sa baha. Ito ay ang mga barangay ng Sapang Bayan, Gatbuca, Frances, Meysulao, San. Miguel, Bulusan, Sta. Lucia, Calizon, Balungao at Sucol.

Sa tala ng PDRRMC, mahigit anim na daang indibidwal pa ang nananatili hanggang sa ngayon sa mga evacuation centers sa bayan lamang ng Calumpit.

Samantala, nananatili namang walang pasok sa lahat ng antas ngayong araw sa mga paaralan sa bayan ng Paombong at San Miguel.

Habang sa City of Malolos naman ay walang pasok sa private and public school mula Elementary hanggang high school.

Itutuloy naman ngayong araw ang ginagawang relief operations ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng mga pagbaha.

Tags: , , ,