Namataan kaninang alas-10:00 ng umaga ng PAGASA-DOST ang Tropical Storm na may international name na “NOUL” sa layong 1,330 km sa silangang bahagi ng Surigao del Norte. Ito na may lakas na 100 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na hanggang 130 kph. Tinatayang maglalakbay ito patungong Kanluran sa bilis na 10kph.
Inaasahan ng PAGASA na papasok ng Philippine Area of Responsibility ang tropical storm bukas, araw ng Huwebes at papangalanan itong “DODONG”. Pero posibleng magbago ang lakas at direksyon ng bagyo depende sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na oras
Inaabisuhan ang publiko at ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magmonitor ng mga update ukol sa bagyo na ibabahagi naman sa susunod na public weather forecast mamayang alas-5:00 ng hapon at maging sa susunod na advisory sa ganap na alas-11:00 ng umaga bukas.
Tags: PAGASA-DOST, tropical storm, TS NOUL