TS BAVI, tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility bukas

by monaliza | March 15, 2015 (Sunday) | 2037

ULATPANAHON

Bahagyang humina si Tropical Storm “BAVI” (international name) habang papalapit ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito ng PAGASA sa layong 2,100km sa Silangan ng Bicol na taglay ang lakas ng hangin na 75kph at pagbugso na aabot sa 100kph.

Kumikilos ito sa pa-kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 35kph.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ito sa bansa subalit ang Northern Luzon ay apektado ng Ridge ng High Pressure Area.

Sa forecast ng PAGASA ang buong bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong mga pagulan, pagkidlat at pagkulog.

Bukas ng umaga ay inaasahang papasok ang bagyo sa PAR at papangalanan itong “Betty”

Posible pa itong humina subalit kung hindi malulusaw ay posibleng maapektuhan nito ang Central at Southern Luzon sa mga araw ng Huwebes at Biyernes.

SUNRISE – 6.04AM

SUNSET – 6.06AM

(Rey Pelayo / UNTV News)

Tags: , , , ,