Trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumaba – Pulse Asia

by Radyo La Verdad | October 7, 2019 (Monday) | 15459

Bamagsak sa 74 percent ang trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Setyembre na bumaba ng 11 puntos mula sa 85 percent noong second quarter.

Seven percent naman ang ibinaba sa approval ratings nito mula sa 85 percent batay sa Pulse Asia survey.

Kinuha ang survey mula September 16 hanggang 22, sa kasagsagan ng pag-iimbestiga ng Senado sa mga alegasyon ng katiwalian sa new Bilibid Prison at Philippine National Police.

‘Di naman ikinabahala ng Malacañang ang resulta ng naturang survey.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pabago-bago naman aniya ang trust at approval ratings subalit maituturing pa ring mataas ang grado ng Pangulo.

“The ratings still high, more than 70%. The survey’s fluctuate depending when they get them. If it is taken at a time when there are controversies hounding, it may affect the survey,” ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

Bukod kay Pangulong Duterte, bumaba rin ang trust at approval ratings nina Vice President Leni Robredo at Senate President Tito Sotto.

Samantalang bahagya namang tumaas ang approval rating ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,