Magpapatupad ng modifed truck ban ang MMDA at mga local government unit sa mga lugar na dadaanan ng APEC Delegates mula sa airport sa susunod na linggo.
Sa paiiraling modified truck ban, hindi maaring dumaan sa mga rutang daraanan ng mga delegado ang mga truck simula 6am hanggang 10pm.
Ayon sa isang truckers group malaki ang magiging epekto nito sa kanila ng ipatutupad na truck ban.
Maaring dumaan ang mga truck sa mga itinalagang alternate routes na tinukoy MMDA tulad ng SLEX.
Sinabi naman ng Aduana Business Club aabutin ng halos isang araw ang byahe ng mga truck kung dito dadaan ang kanilang mga truck dahil napakalayo ng iikutan.
Dahil dito inaasahan na nilang milyon-milyong piso ang mawawala sa kita ng mga apektadong trucking company.
Bilang suporta sa pamahalaan sa pagho-host sa APEC Summit hindi muna bibiyahe ang kanilang mga truck mula November 17 hanggang 20.
Sinabi ni Mary Zapata ng Aduana Business Club naapektado rin ng truck ban ang mga driver at empleyado ng pumayag na huwag munang magtrabaho kaya kailangan nilang i-subsidize ang mga ito.
Kaya naman panawagan naman ng grupo sa gobyerno.
“Yung napending naming paglabas ng isang linggo dapat facilitated ang service niyo after the APEC pag di nangyari yun sisingilin namin sila doon”. Pahayag ni Zapata
Ilang ulit na ring humingi ng pang-unawa ang pamahalaan sa mga maapektuhan ng APEC Summit upang maging matagumpay ang hosting sa pinakamalaking event na ito ngayong taon na ang makikinabang naman ay ang buong bansa rin. (Darlene Basingan/UNTV News)
Tags: Aduana Business Club