Tricycle driver na nasugatan sa aksidente sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 2335

TMBB-QUEZON-CITY
Namimilipit sa sakit ang isang lalaki sa gilid ng kalsada ng abutan ng UNTV News and Rescue Team matapos mabangga ng trailer truck ang minamaneho nitong tricycle sa bahagi ng Payatas Road Quezon City bandang ala una ng madaling araw kanina

Agad nilapatan ng pang-unang lunas ng grupo ang tinamong sugat ng 42 anyos na si Noemi Alipio sa kanyang binti, hita, daliri, at may posibleng bali din ito sa kanyang kaliwang braso.

Pagkatapos mabigyan ng pangunang lunas ay isinugod na ang biktima sa East Avenue Medical Center.

Sa inisyal na impormasyon ng Quezon City Traffic Sector 5 binagbagtas ng truck at tricycle ang Payatas Road nang magkasalubong nagbanggaan ang dalawang sasakyan.

Ayon sa driver ng truck na si Ronald Pastrana nakita niya ang tricycle driver na pagewang gewang ang minamaneho nitong tricycle.

Hindi na umano nakontrol ng biktima ang kanyang tricycle kaya nabangga ito sa harapan ng kanyang truck

Samantala dalawa naman ang nasugatan sa banggaan ng SUV at kotse sa bahagi ng East Avenue sa Quezon City dakong alas dose ng madaling araw

Ayon sa nakakita sa pangyayari matulin ang takbo ng kotse nang biglang nabangga nito ang SUV na papaliko ang daan.

Sa lakas ng impact tumagilid ang SUV na sakay ang dalawang babae na kinilala na sina Marciella Jamaira Tan at Angela na kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad namang sumakay ng taxi ang mga ito at nagtungo sa ospital

Kinilala naman ang driver ng kotse na isang Korean national na si Hyunil Hwang na wala namang tinamong sugat na sa ngayon ay nasa Quezon City Traffic Sector 1 para imbestigasyon.

(Reynante Ponte/UNTV News)

Tags: ,