Sa limang linggong pagmamando ng traffic sa Edsa ay malaki na ang ibinawas sa travel time dito kung ang PNP-Highway Patrol Group ang tatanungin.
Ayon kay HPG Edsa Task Force Commander P/SSupt. Fortunato Guerrero, nabawasan na ng 45 minutes hanggang 1 oras ang biyahe sa Edsa base sa araw araw na traffic survey na ginagawa nila habang sakay ng pampasaherong bus.
Aniya nasa 1:25 to 1:55 na lamang ang biyahe ngayon sa SB ng Edsa mula Balintawak hanggang Taft Avenue.
Habang ang NB mula taft avenue patungo ng balintawak ay nasa 55 minutes to 1:35 na lamang.
Base naman sa obserbasyon ng mga motorista.
Ito’y dahil pa rin sa maraming mga bus terminal sa gilid nito.
At kung dati ay ang kakulangan ng disiplina ng mga motorista ang nagpapabagal sa Edsa, ngayon ay ang mga nasisiraan sasakyan at aksidente ang nagiging sanhi ng pagsisikip nito.
Umaasa naman ang hpg na mapapabilis pa nila ang daloy ng sasakyan sa edsa lalo na kung mareresolba ang ilang traffic engineering problem tulad ng paglalagay ng mga traffic light sa North Ave., Congressional Ave. At quezon ave.
Kinumpirma rin ni Guerrero na nagdagdag na sila ng tauhan, mula sa 170 hpg personnel noong isang buwan ay nasa 244 na ito ngayon na naghahati sa tatlong shift na duty 24/7.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)
Tags: EDSA, PNP-Highway Patrol Group