Naniniwala si department of Health Secretary Janette Garin na maaring lumaki ang posibilidad na makapasok sa bansa ang MERSCoV sakaling magdeklara ng travel ban sa South Korea.
Ayon sa kalihim ang pagdedeklara ng travel ban sa naturang bansa ay maaring magbunga ng mas malaking posibilidad na makapasok sa Pilipinas ang MERSCoV.
Kaya naman payo ng kagawaran sa ating mga kababayan iwasan muna na bumiyahe sa mga bansang apektado ng MERSCoV kung hindi naman napaka-importante.
Layon nito na mabawasan ang bilang ng mga Pilipino na maaring mahawa ng virus.
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag ugnayan ng DOH sa South Korean Health Department para malaman ang sitwasyon duon at magawa ang mga ibayong paghahanda upang hindi makapasok ang MERSCoV sa Pilipinas.
Tags: Health Secretary Janette Garin, MERSCOV, South Korean Health Department