Transport System ng Singapore, gagayahin ng DOTr

by Radyo La Verdad | September 1, 2017 (Friday) | 3059

Isa ang Singapore sa mga mauunlad na bansa sa Asya na mayroong pinaka epektibong traffic system. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na ratio ng mga sasakyan sa bawat kilometro ng kanilang kalsada na naitala sa 280 vehicles per kilometer of road. Mas mataas ito kumpara sa 63 ratio ng Japan at 36 ng France.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang epekto ng pagkakaroon ng maayos na traffic system  sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Kaya naman nais ng Department of Transportation na gayahin ang transport system ng Singapore upang masolusyunan ang trapiko sa Metro Manila.

Kahapon lumagda sa isang kasunduan ang DOTr at Singapore Cooperation Enterprise o SCE upang i-adopt ng Pilipinas ang transport at traffic system ng nasabing bansa.

Isa rito ang Intelligent Transport System kung saan may centralized monitoring center upang makita ang sitwasyon sa mga kalsada at mapabilis ang pagresponde kung may problema.

Sa ngayoy ay sisimulan na ng DOTr at SCE ang mga pag-aaral kung anong mga sistema ang aplikable para sa Metro Manila

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,