METRO MANILA – Pinatunayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nabigo ang isinagawang transport strike ng Manibela kahapon (October 16) na i-paralyze ang mga ruta ng pampasaherong sasakyan, kabilang dito ang kalakhang Maynila at iba pang rehiyon.
Ang mga commuter na na-stranded ay binigyan ng libreng sakay mula sa kanilang mga lokal na pamahalaan at mga sasakyang binigay ng Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa isang press conference, sinabi ni Atty. Don Artes, ang acting chairman ng MMDA, na hindi matagumpay ang strike at tanging sa Parañaque at Manila lang mayroong report ng mga stranded na pasahero, na umaabot lamang sa 50 commuter.
Gayunpaman, iginiit ni Mar Valbuena, ang National President ng Manibela, na matagumpay ang kanilang transport strike.
Humigit-kumulang 50 traditional units ng jeepney at mahigit 500 jeepney drivers ang umanoý sumali sa motorcade kahapon (October 16).
Sa Facebook page ng Manibela, inanunsyo nila ang plano na magsagawa ng 1 pang protesta ngayong martes, October 17, sa harap ng LTFRB Central Office at sa Mendiola.
Tags: LTFRB, MMDA, Transport Strike