Transport sector, humihingi ng fare increase dahil sa ipinatutupad na excise tax sa langis

by Radyo La Verdad | May 31, 2018 (Thursday) | 2786

Umaaray na ang transport sector dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng preso ng produktong petrolyo. Malaki na umano ang kitang nawawala sa kanila. Hiling ng mga ito, payagan silang magpatupad ng fare increase.

Ang Cebu Pacific at Philippine Airlines, nais ibalik ang paniningil ng fuel surcharge.

Ayon kay Cebu Pacific Vice President for Corporate Affairs sa tuwing tataas ang presyo langis nasa 20-milyong piso ang nadadagdag sa kanilang fuel cost kaya kailangan nang itaas ang pamasahe. Bagay naman na kinuwestiyon ng ilang kongresista.

Ayon naman sa MARINA, apektado na rin ang mga roro at mga cargo ship dahil 50% ng kanilang operating cost ay napupunta sa fuel. Nakahain naman sa LTFRB ang fare increase petition sa jeep at bus.

Ayon kay House Committee on Transportation Vice Chairman Edgar Sarmiento, may remedyo namang nakasaad sa batas oras na sumipa ng husto ang presyo ng langis.

Pero ayon sa Department of Finance, maling isisi lahat sa TRAIN ang pagtaas ng preso ng langis.

Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng DSWD ng social protection sa mga maaapektuhan ng TRAIN law.

200 piso kada buwan ang kanilang ibibigay sa unang taon ng implementasyon ng TRAIN habang 300 piso naman sa ikalawa at ikatlong taon ng implementasyon.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,