Nagsagawa ng pagpupulong ngayong araw ang Confederation of Passenger Transport Central Luzon sa San Fernando, Pampanga.
Ito ay upang hilingin na mapanatili sa pwesto ang regional director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na si Atty. Zona Russett M. Tamayo.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pwesto ang mga opisyal ng LTFRB gayundin sa LTO dahil may korapsyon pa ring nagaganap sa ahensyang ito.
Ayon sa grupo ang pananatili ni Atty. Tamayo sa pwesto ay magmamantini ng maayos at mapayapang ugnayan ng mga transport group at mga stakeholder sa Central Luzon.
Dagdag pa ng grupo, malaki ang maitutulong ng opisyal upang maisaayos ang implimentasyon ng public transport modernization program lalo na ang pagreresolba sa mga free transportation routes mula sa colorum passenger vehicles na kasalukuyang nireresolba sa rehiyon.
Bukod dito ay gumawa rin ng liham ang grupo upang iparating kay Department Of Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanilang kahilingan.
Kasama rin sa gumawa ng liham si Mayor Ed Pamintuan ng Angeles City.
Aminado ang transport group na talamak ang korupsyon sa LTFRB, ngunit nagbago umano ito sa panunungkulan ni Tamayo.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: regional director ng LTFRB, Transport group sa Central Luzon