Pinag-iisipan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pagpapataw ng limang libong pisong multa sa transport operator o kumpanya na hindi dadalo sa ipatatawag na pagdinig ng ahensya.
Layon nito na ma-obliga ang alinmang transport company na inirereklamo na dumalo sa mga isinasagawang pagdinig.
Sa datos ng LTRFB tinatayang nasa limampu hanggang pitumpung mga reklamo ang kanilang natatanggap sa araw-araw
Samantala, inilunsad na kanina ng LTFRB ang bago nitong hotline number.
Ang bagong hotline ng LTFRB na 1342 ay pwede ma-access sa buong bansa 24/7.
Maaring itawag dito ng publiko ang anumang katanungan, suhestyon,sumbong o reklamo hinggil sa maling pagmamaneho ng mga pambulikong sasakyan at anumang concern sa LTFRB.
Para sa may nais na isangguni o ireport sa ahensya dito sa Metro Manila, idial lamang ang mga numerong 1342.
Para naman sa labas ng Metro Manila o yung mga nasa probinsya, i-dial lamang ang (02)-1342 para sa lahat ng PLDT at Smart subscribers.
Sa mga Globe subscribers i- dial ang area code plus 1342.
Maaari ring magpaabot ng mensahe ang publiko sa pamamagitan ng text o di naman kaya ay sa kanilang viber account sa mga numerong 0917-550-1342 o sa 0998-550-1342.
Katuwang ng LTRFB sa pagsagot ng mga tawag at txt ang ilang call center agent na siya namang makikipag ugnayan sa public assistance and complaints desk personnel ng ahensya.
Tiniyak naman ng pamunuan ng ahensya na mayroong sasagot sa kanilang hotline upang agad na aksyunan ang anuman suhestyon at sumbong na kanilang matatanggap.
Kaugnay nito ipinag-utos rin ng LTFRB na lahat ng public utility vehicles na may markang “may reklamo ka? itawag sa ltrfb? ay kinakailangan na rin mapapalitan ng mga operator. ( Joan Nano / UNTV News)