TAPAT o Transparent Election System ang tawag sa naimbentong computer application ng mag -amang Arnold at Angelo Villasanta na iminumungkahing gamiting kapalit ng PCOS Machine.
Hindi gaya sa Hybrid System na PATAS o Precinct Automated Elections System na mano- mano ang pagbilang ng mga boto na tatapatan ng laptop count upang ma-itransmit electronically ang resulta sa presinto, sa TAPAT, automated na ang pagbilang ng boto.
Ang application ay nakalagay sa isang tablet na siyang babasasa balota at magbibilang ng boto.
Sa balota isi-shade lang ng botante ang numero ng napilinitong kandidato at partylist gamit ang isang red marker.
Nakalagay sa secrecy folder ang mga pinagpipiliang kandidato at ang number na naka assign sa kanila.
Kung nagkamali ang voter, maari niyang burahin gamit ang itim na marker at saka magsi-shade ng panibago.
May QR code ang bawat balota kaya hindi maaring kopyahin basta basta at hindi rin maaring ilipat lipat sa ibang presinto ang isang balota na nakalaan para sa ispisipikong voting center.
Matapos makapili, dadalhin sa tablet ang balota upang mabasa ng tapat system.
Kapag nabasa, makikita ng botante sa screen ng tablet kung binasa ng tama ang balota.
Kung tama, pipindutin lang ng voter ang tama o ok button at magpiprint ng resibo ang makina kung saan maaring ikumpara ng botante kung tama ang pagbasa ng kaniyang boto.
Kapag tapos na, ihuhulog ng botante sa ballot box ang balota at iiwan din sa box ang resibo.
Ang transmission ng boto ay sa pamamagitan ng dating secured systems na ginagamit ng Comelec.