Isa sa mga sideline ng APEC Summit ngayong taon ang pagpupulong ng ilang APEC Member Economies na kabilang Trans-Pacific Partnership o TPP, isa sa mga pinakamalaking trade agreement na nabuo sa pangunguna ng Estados Unidos.
Layunin nito na padaliin ang kalakaran at pamumuhunan sa pagitan ng mga bansang kasapi tulad ng pagpapababa ng taripa.
Kabilang sa kasunduang ito ang mga bansang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore, Vietnam at US, na pawang kabilang din sa APEC Economies.
Naniniwala rin ang ABAC na may malaking maitutulong ng TPP sa isa pang inisyatibo ng APEC, ang Free Trade Agreement into the Asia Pacific Asia o FTAAP na inumpisahan ng APEC noong 2006 sa layuning mas palawigin pa ang bukas at malayang kalakaran sa rehiyon.
Sinasabing maaring maging basehan ng pagbuo ng isisunulsong na Free Trade Agreement into the Asia Pacific Asia ang TPP na inisyatibo ng Estados Unidos.
Sa ngayon ay patuloy itong binubuo at isa sa nagsusulong dito ay ang bansang China. (Darlene Basingan/UNTV News)
Tags: APEC Economies, Free Trade Agreement into the Asia Pacific Asia, Trans-Pacific Partnership