Nakapasa na sa committee level ang panukalang Traffic Crisis Bill matapos ang ika-labing dalawang pagdinig kaugnay ng naturang panukala na inaasahang lulutas sa problema sa trapiko sa bansa.
Tiniyak ng chairman ng House Committee on Transporatation na si Congressman Cesar Sarmiento na ginawa itong mas komprehensibo at ibinatay sa resulta sa mga konsultasyon sa mga stakeholder.
Matapos makapasa sa komite ay irerefer ang panukala sa Appropriations Committee at inaasahang isasalang agad ito sa plenaryo para sa masusing deliberasyon.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: inaprubahan na ng House Committee on Transportation, Traffic Crisis Bill