Traffic Crisis Act, tatalakayin na sa plenaryo ng Kamara

by Radyo La Verdad | May 23, 2017 (Tuesday) | 1576


Isasalang na sa plenaryo ng Kamara ang Traffic Crisis Act matapos maaprubahan ng ilang amiyenda sa probisyon nito sa pagdinig ng House Transportation Committee.

Labing-pitong miyembro ng komite ang bumoto pabor sa panukala na may layuning solusyunan ang lumalalang trapiko sa bansa.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay ng kapangyarihan sa transportation secretary na pangasiwaan ang mga ahensiyang may kaugnayan sa transport sector gaya ng MMDA, LTO at LTFRB.

Maaari din siyang magpatupad ng programa at polisiyang makatutulong para maibsan ang traffic congestion.

Hindi naman kasama sa isinusulong na traffic crisis act ang pagbibigay ng dagdag-kapangyarihan sa pangulo para solusyunan ang trapiko na taliwas sa panukalang emergency powers sa senado.

(Joyce Balancio)

Tags: , ,