Isang trading company sa Quezon City ang inireklamo ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice dahil sa pagtangging bayaran ang 416-million pesos na buwis sa pamahalaan.
Dalawang counts ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang isinampa ng BIR laban sa FDI Forefront II Trading na matatagpuan sa Quirino Highway, Baesa, Quezon City.
Ayon sa BIR, hindi tinutugunan ng kumpanya ang ipinadala nilang mga notice at demand letter kaya nagpasya ang ahensiya na sampahan na ito ng reklamo.
Nahaharap din sa kaparehong reklamo ang isang distributor ng mga gamit pang maintenance ng sasakyan sa Quezon City na si Jimmy So Kho.
Ayon sa BIR, hindi rin pinansin ni kho ang kanilang mga notice kaya’t sinampahan na nila ito ng reklamo at sinisingil ng 43-million pesos na buwis.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: BIR, P416-million na buwis, tax evasion, Trading company sa Quezon City