Tourists arrivals sa France, umabot sa 89 million ngayong 2017

by Radyo La Verdad | December 25, 2017 (Monday) | 3075

Naitala ngayong 2017 ang pinakamataas na tourists arrival sa bansang France sa kabila ng ilang pag-atake ng mga terorista mula pa noong nakaraang taon, tumaas ang tourist arrivals sa bansa ngayong 2017 sa 89 million.

Ayon sa pamahalaan, ito na ang pinaka-mataas na bilang ng international visitors na bumisita matapos ang dalawang taon ng mga terror attacks simula Nobyembre 2015 na umabot sa 85 milyong arrivals at taong 2016 na 83 million lamang.

Sa kabila ng achievement na ito, ayon sa tourism ministry ng bansa ay lalo pa nitong palalakasin ang turismo sa pamamagitan ng pagpo-promote ng magagandang atraksyon upang maabot ang 100 million tourist arrival sa taong 2020. Ayon sa Regional Council of Tourism of Ile de France, sa Paris ay may bilang na 28.2 milyon ang nagcheck-in sa hotels na karamihan ay mga turistang American at Japanese.

Ang top 3 most visited tourist spot ay Musée du Louvre, Château de Versailles at Eiffel Tower.

 

( Jhun Garin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,