METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay nitong buwan ng Abril ngayong taon.
Batay sa ulat ng malay tourism office, umabot sa 182,647 ang tourist arrival sa isla mula April 1 to 30, 2024.
Mas mababa ito ng 14.5% sa kaparehong buwan noong taong 2023 na umabot sa 213,736 tourists ang bilang.
Bumaba din ang domestic tourists na mula 171,897 ay naging 145,455 na lamang ngayong taon.
Isa sa mga nakikitang dahilan dito ay ang abalang maidudulot sa mga turista pagpasok sa isla.
Pagdating pa lamang sa jetty port ay kailangan nang pumila sa 3 counter para makakuha ng ticket papasok sa isla.
Mahaba rin ang pila lalo na kapag peak season lalot maliit lamang ang caticlan jetty port.
Malaking fee rin ang babayaran ng mga turista sa pantalan pa lamang tulad ng P300 na environmental fee, arrival port fee, departure fee, pamasahe sa bangka at snorkeling fee.
Tags: Boracay, Tourist Arrival