Tourism Sec. Wanda Teo, nagbitiw na sa pwesto sa gitna ng kinakaharap na kontrobersya

by Radyo La Verdad | May 8, 2018 (Tuesday) | 2250

Bago magsimula ang cabinet meeting sa Malacañang kahapon, isinumite na ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo ang kaniyang resignation letter kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon sa abogado ni Teo, delicadeza ang nagtulak sa kalihim upang magbitiw sa pwesto sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya at hindi ito ipinag-utos sa kaniya ng pangulo.

Subalit nanindigan si Teo na hindi niya alam na sa programa ng kaniyang mga kapatid sa PTV 4 napunta ang 60 million peso tourism ad placement.

Pero pagkatapos ng cabinet meeting kagabi ay nagkaroon pa ng one on one meeting ang pangulo at si Teo.

Ayon naman kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, hindi lang dapat matapos sa resignation ni Teo ang isyu.

Iginiit naman ng abogado ni Teo na handa ang kaniyang kliyente na harapin ang mga imbestigasyon kaugnay ng isyu.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,