Tourism at business sector sa Cebu, mas palalaguin gamit ang digital technology

by Radyo La Verdad | June 8, 2016 (Wednesday) | 1592

GLADYS_DIGITAL
Isinusulong ng tourism committee ng Cebu Business Month ang paggamit ng digital technology upang mapalago ang sektor ng turismo at pagnenegosyo sa lalawigan.

Ayon sa CBM, isa ang Cebu sa mga itinuturing na top destination sa Asya dahil sa maunlad nitong infrastructures at magagandang tourist spots.

Ngayong buwan ng Hunyo isinasagawa ng Cebu Chamber of Commerce and Industry ang Cebu business month na layuning ma-explore ang benepisyo sa negosyo ng technology at innovation.

Bahagi nito ang pagsasagawa ng tourism job fair para sa mga naghahanap ng trabaho at tourism forum kung saan naman tatalakayin ang mga paraan upang magamit ang digital technology sa pagpapalago ng turismo sa Cebu sa global scale.

Tema ng event na ito ang digital Cebu na magsusulong sa expansion ng business at torusim connection na inaasahang makakatulong sa paglikha ng dagdag na trabaho.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,