Total Lunar Eclipse, nasaksihan sa Pilipinas at sa ibang bansa

by Radyo La Verdad | November 9, 2022 (Wednesday) | 14892

METRO MANILA – Nasaksihan sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa ang Total Lunar Eclipse kahapon (November 8).

Sa Pilipinas, kahit na may lugar na makulimlim ay nagkaroon parin ng pagkakataon ang mga Pinoy na makita ito.

Tinatawag din itong Blood Moon dahil sa medyo mamula-mula ito na dulot ng repleksyon ng atmosphere.

Nagkakaroon ng Lunar Eclipse kapag ang mundo ay naka-align sa pagitan ng araw at buwan.

Sa ganitong posisyon ay tumatakip ang anino ng mundo sa buwan.

Bukod sa Pilipinas ay nakita rin itong Lunar Eclipse sa ibang bansa sa Asia, Australia, North at South America at Europa.

Ayon sa PAGASA, walang epekto sa mga nabubuhay sa mundo ang Lunar Eclipse liban na lamang sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dahil sa gravity na resulta ng mas malapit na distansya ng buwan sa mundo.

“Ang total Lunar Eclipse, normally pagka ganyang Total Lunar Eclipse it’s more on tides. So doon lamang ang epekto. Now, with regards to the behavior of the person sa environment or sa lives of person on earth walang scientific study na nakapagpapatunay na mayroon itong kinalaman” ani DOST-PAGASA Senior Weather Specialist, Mario Raymundo.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,