Gusto munang makatiyak ng Department of Agriculture na ligtas sa harmful bacteria ang mga karne ng baka at manok na aangkatin mula sa Brazil kaya’t ipagbabawal muna ang pagaangkat ng mga ito.
Ayon kay Sec. Manny Piñol, magpapadala sila ng mga tauhan doon sa susunod na linggo para tiyaking malinis ang mga planta at sumusunod ito sa standard operating procedures.
Ipatutupad ang total import ban matapos magpositibo sa salmonella bacteria ang na 500 libong kilo ng karne ng baka at manok.
Ito ay mula sa 18 shipment galing Brazil na dumating nito lamang may 10 hanggang June 20.
Ayon sa Bureau of Animal Industry o BAI, naideliver na sa mga meat processor ang mga karne bago lumabas ang resulta ng laboratory test.
Subalit mamamatay naman anila ang salmonela dahil lulutuin naman o dadaan sa matinding init ang mga ito kapag dumaan sa proseso.
Una nang sinabi ng mga importer na maaapektuhan nito ang mga fastfood chain at posibleng tumaas din ang mga de lata at hotdog na ginagamitan ng baka at manok.
Ayon naman kay Piñol, papayagan naman nila na muling makapag-angkat ng karne ng baka at manok sa oras na matiyak na ligtas na itong kainin.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)