Top Seed Wawrinka, tinalo si Jaziri sa 3rd round ng Miami Open

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 3219

Top Seed Wawrinka(REUTERS)

Tinalo ni Top Seed Stan Wawrinka ng Switzerland si Malek Jaziri ng Tunisia 6-3 6-4 sa third round ng Miami Open.

Hangad ang unang panalo ngayong 2017 haharapin ni Wawrinka ang german na si Alexander Zverev na tiniklop ang 19 year old American na si John Isner 6-7 7-6 7-6.

Samantala, pinadapa ni Australian Nick Kyrgios ang Croatian na si Ivo Karlovic 6-4 6-7 7-6 upang isaayos ang laban sa eight seed na si David Goffin.

Tiniklop ni Goffin ng Belgium si Argentine Diego Schwartzman 4-6 6-3 7-5.

Tags: , , ,