Djokovic at Berdych, pasok na sa 4th round ng Miami Open

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1568

MIAME-OPEN
Pumasok na sa fourth round ng Miami Open si world number one Novak Djokovic.

Ito ay matapos na magaan niyang talunin ang 25th seed Jaoa Sousa ng Portugal 6-4 6-1.

Dahil sa panalo, naisaayos ni Djokovic ang match up kay 15th seeded Austrian Dominic Thiem na pinadapa ang unsseded na si Yoshihito Nishioka ng Japan 6-2 6-2.

Kinailangan naman ng Czech 7th seed Tomash Berdych ang tatlong sets para dispatsahin ang 31st seeded American na si Steve Johnson 6-3 6-7 6-3

(UNTV NEWS)

Tags: , ,