Top 8 most wanted drug personality ng Manila Police District Station 1 nahuli na

by Radyo La Verdad | December 18, 2015 (Friday) | 5209

BENEDICT_MOST-WANTED
Nadakip ng mga otoridad si alyas Unong ang ikawalo sa top 10 most wanted drug personality ng station 1 ng Manila Police District matapos ang isinagawang simultaneous one time bigtime operation on illegal drugs sa lungsod ng Maynila pasado alas nueve kagabi.

Ayon kay MPD Station 1 PSupt Redentor Ulsano, nahuli ang suspek matapos na magpanggap na buyer ng droga ang isang pulis.

Nang magkabilihan niyaya ni alyas Unong ang police asset sa kanyang bahay para doon gumamit ng shabu.

Nakumpiksa sa suspek ang 500 pesos na marked money at narecover sa bahay niya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasama ring nahuli ang pitong lalaki na naaktuhang gumagamit ng ipinagbabawal na droga at dalawang improvised na baril ang nakuha sa dalawa sa mga ito.

Tinatayang aabot sa mahigit tatlong libong piso ang market value ng mga suspected illegal drugs na nakuha sa mga suspek.

Mahaharap naman ang lahat ng nahuli sa kasong paglabag sa Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,