Top 2 Most Wanted Drug Personality ng QCPD Station 9, nahuli na

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 4827

BENEDICT_ARESTADO
Nahulog na sa kamay ng batas ang isa sa mga matagal nang tinutugis ng Quezon City Police District.

Ang suspek na si Kenny Login, Top 2 most wanted drug personality ng QCPD Station 9 ay nahuli sa simultaneous one time bigtime operation on illegal drugs sa lungsod ng Quezon kagabi.

Ayon kay QCPD Station 9 Commander PSupt. Wilson Delos Santos, naaresto ang suspek matapos na magpanggap na buyer ng droga ang isang pulis.

Ilang linggo rin nilang minanmanan ang suspek at ang operasyon nito.

Nakumpiksa sa suspek ang 3000 pesos na mark money at narecover ang 2 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na labing dalawang libong piso.

Narecover din ang motor na ginagamit ng suspek sa kanyang operasyon at isang 38 caliber na baril na kargado ng tatlong bala.

Ayon pa kay Delos Santos,malaking tulong ang mga pakikiisa ng community sa pagrereport sa mga ilegal na gawain ng suspek kaya agad siyang nahuli at nakakulong na sa istasyon pulisya.

Samantala, tumanggi nang magbigay ng anumang pahayag ang suspek kaugnay ng kinasasangkutang reklamo.

Mahaharap si Login sa kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,