Tobacco Excise Tax Bill, inaasahang malalagdaan ni Pangulong Duterte ngayong Linggo

by Erika Endraca | July 25, 2019 (Thursday) | 12983

MANILA, Philippines – Inaasahang malalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Linggong ito ang panukala na magtataas sa Tobacco Excise Tax o ang buwis na ipinapataw sa sigarilyo.

Ayon sa Department of Finance (DOF), nakatakdang maglapse into law ang naturang panukala sa July 27.

Nakapaloob sa naturang panukalang batas na tataas ang excise tax sa sigarilyo mula 2020 hanggang 2023.

Sa unang taon ng implementasyon nito, mula 35 pesos ay tataas sa 45 pesos ang kada pack ng sigarilyo.

“I was told it would be signed this week because that is a priority measure certified urgent by the president in the previous congress and mentioned by the president in the sona.” ani Department of Finance Usec. Karl Chua.

Tags: , ,