Tiwala ng mga Pilipino sa China nananatiling mababa

by Admin | March 2, 2018 (Friday) | 5415

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) lumabas na pinaka pinagkakatiwalaang bansa pa rin ng mga Pilipino ang Amerika.

Kahit gumaganda naman ang relasyon ng Chinese at Philippine government, nananatiling mababa pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa China.

7% net trust lamang ang nakuha ng China kung ikukumpara sa 68% ng Amerika, 55% ng Canada at 54% ng Japan.

Paliwanang ng Malacañang, bumuti lamang ang ugnayan ng Pilipinas at China sa pagpasok ng Duterte administration kaya hindi nakapagtataka kung mababa pa ang tiwala sa kanila ng mga Pilipino.

“Siguro bigyan natin ng pagkakataon ang mga Tsino. Sabi nila, magpapadala sila ng napakaraming turista, sabi nila magpapadala sila ng napakaraming kapital at negosyo,” sabi ni Secretary Harry Roque.

Ayon kay Presidential spokesman Secretary Harry Roque, kailangang tuparin ng China ang mga pangako nito sa Pilipinas upang bumuti rin ang pagtingin ng mga Pilipino sa naturang bansa.

“Kung di tayo magkakagulo dahil sa West Philippine Sea, kung sila ay tutupad sa kanilang pangako na di na sila magkakaroon ng bagong reklamasyon at di na sila magtatayo ng bagong artificial islands, so like all relationships, this is a two-sided relationship, we want to trust China but China must prove itself to be trustworthy,” dagdag pa niya.

(Rosalie Coz \ UNTV Correspondent)

Tags: , ,