METRO MANILA – Inaasahang aabot sa 70% ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang magkakaroon ng kanilang sariling bank accounts ngayong taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., magbibigay-daan ang pagkakaroon ng bank account sa pagbuo ng savings buffers, paglalaan para sa kinabukasan at sa pagiging aktibo sa pakikilahok sa digital economy.
Dagdag pa niya, bahagi na ng pormal na financial system sa bansa ang mas marami pang Pilipino at may malaking papel ang digitalization sa financial inclusion ng mga mamamayan nito.
Bukod pa rito, tumaas din aniya ang bilang ng digital retail payments na kung saan nag-issue ang BSP ng lisensya sa 258 digital payment providers.
Nakipagtulungan ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa Land Bank of the Philippines para sa enrollment ng accounts ng mga nag-register sa Philippine Identification Card o ang National ID.
(Joram Flores | La Verdad Correspondent)
Tags: bank account, BSP