Tinatayang 5-M Pilipino, posibleng mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic — DOLE

by Erika Endraca | May 21, 2020 (Thursday) | 13892

METRO MANILA – Maaari umanong umabot sa mahigit 4-5M Pilipino ang nanganganib na mawalan ng trabaho bunsod ng krisis sa COVID-19, ayon  sa Department Of Labor and Employment (DOLE).

Sa pagdinig ng Senado Kahapon, (May 20) sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, karamihan sa mga higit na maaapektuhan ay mula sa service sector partikular na sa turismo, allied business katulad ng mga restaurant at transportasyon.

Ayon sa Kalihim, may posibilidad din na umakyat pa ito sa 10-M.

Sa ngayon aabot na sa 2.6 milyong Pilipino ang nawalan na ng trabaho mula sa mga negosyo na pansamantalang nagsara at sumailalim sa flexible working arrangements dahil sa krisis.

Humiling na aniya ang DOLE ng P40-B sa Kongreso bilang tulong sa mga maaapektuhang manggagawa.

“Our estimate is that we might lose about more than 4-5 million jobs. We plan to request for additional funding in order to extend the implementation of this expanded tupad program.” ani DOLE  Sec. Silvestre Bello III.

Tags: ,