Tinatayang 10,000 kontraktwal na empleyado ng PLDT, nagtipon-tipon upang hilingin ang isang dayalogo kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | July 12, 2018 (Thursday) | 1993

Alas siyete pa lang ng umaga ay nagsimula nang mag-ipon ipon ang iba’t-ibang grupo ng mga kontraktwal na manggagawa ng PLDT sa harap na Mendiola Peace Arch.

Isa sa mga grupong ito ang manggagawa ng Komunikasyon ng Pilipinas (MKP). Tinatayang nasa sampung libong kontraktwal na manggagawa ang nagsama-sama mula sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at sa South Luzon para sa rally kaugnay ng pagtanggal sa kanila sa trabaho ng PLDT.

Plano ng grupo, mula sa Mendiola Peace Arch na dumiretso sa Malacañan upang hilingin ang isang dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpadala ang MKP sa Office of the President ng sulat upang hilingin na makapanayam ito personal nang magtutungo ang iba’t-ibang grupo ng mga tinanggal na manggagawa sa PLDT sa Malacañang upang ipaabot ang kanilang kahilingang pakilusin ang PLDT, lalo na’t kautusan ng Pangulo ang regularisasyon sa bansa.

Bagaman nabigyan sila ng katiyakan ng DOLE kahapon na kikilos ang kagawaran upang ipaunawa sa PLDT na hindi sila dapat tanggalin ng PLDT sa pamamagitan ng pag-isyu ng DOLE ng isang clarificatory order, nais pa ring iparating mismo ng grupo sa punong ehekutibo ang kanilang hinaing na sila ay ibalik sa trabaho at gawing mga regular na manggagawa ng PLDT.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,