Tinaguriang “King of Hackers” na Bulgarian national, nadakip na ng pulisya

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 1867
Konstanti Kavrakov, ang Bulgarian national na pangunahing suspek na gumagawa ng counterfeit access device
Konstanti Kavrakov, ang Bulgarian national na pangunahing suspek na gumagawa ng counterfeit access device

Nadakip na ng mga tauhan ng CIDG si Konstanti Kavrakov, ang Bulgarian national na kilalang suspek na gumagawa ng counterfeit access device.

Sinabi ni P/Supt Milo Pagtalunan, pinuno ng Anti-Fraud and Commercial Crime unit ng CIDG, nadakip ang Bulgarian habang nagwi-withdraw gamit ang mga counterfeit bank card sa ATM machine ng PS Bank Quezon Avenue branch.

Narekober kay Kavrakov, 32 taong gulang, ang P76, 570 pesos transaction receipts, access devices at sari- saring bank cards.

Si Kavrakov ay tinaguriang “King of Hackers” na nahuli na sa Paraguay noong 2011 matapos makapag withdraw ng US$90,000 sa account ni Bill Gates gamit ang mga clone card.

Samantala, batay naman sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, noong 2013, nakatanggap sila ng 1,972 na ulat ng ATM fraud mula sa mga bangko kung saan nagkakahalaga ng P220 million ang nakulimbat na pera ng mga ATM scammer.

Tags: , , , , , ,