Tigil-pasada, isasagawa ng mga truckers simula Abril dahil sa congestion ng mga empty container

by Radyo La Verdad | March 16, 2018 (Friday) | 2782

Magsasagawa ng tigil-pasada ang mga truckers simula Abril upang mapwersa ang mga foreign shipping companies na iuwi sa kanilang bansa ang mga empty container.

Ayon sa ilang trucker mahigit 60 thousand pesos ang nalulugi sa kanila dahil sa congestion ng mga empty container sa port area, hindi anila magamit ang kanilang truck dahil hindi makapag karga ng bagong delivery.

Limang araw umano ang itinatagal bago kunin muli ng mga nagshipping companies ang kanilang mga container mula sa mga trucker.

Ang libo-libong empty containers na sana ay kinukuha pabalik ng mga international shipping companies sa kanilang bansa, dito itinatambak sa Pilipinas dahil mas mura daw ang renta dito kumpara sa ibang bansa, kaya ang resulta ay congestion ng empty containers sa mga pantalan.

Mahigit tatlong libong mga truck ang hindi tatanggap ng delivery sa mga international shipping companies bilang pakikiisa sa tigil-pasada

Naglabas naman agad ang Bureau of Customs ng administrative order upang pagmultahin ang mga shipping companies na ayaw iuwi ang kanilang mga container subalit hanggang ngayon ay wala pang tumutugon dito.

Nag-aalala naman ang mga supermarket owners na umaasa ng delivery sa mga truckers.

Ang epekto nito, wala daw pinagkaiba sa port congestion, tataas rin presyo ng ilang bilihin

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,