Tibay ng glass bottom bridge sa China, sinubukan

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 1852
Photo Courtesy: Reuters
Photo Courtesy: Reuters

Nasa 20 tao ang sumubok sa safety ng glass bottom bridge na nasa taas na 300 metro mula sa Zhangjiajie Grand Canyon ng Central Hunan Province sa China.

Pinagpupukpok nila ng mga maso ang tulay at saka ito dinaanan ng isang 15 toneledang sport utility vehicle o suv at wala ni isang maso ang lumusot sa salamin na 5 sentimetro ang kapal; nagpapatunay na ito’y matibay.

Sinimulang itayo ng China construction group ang tulay hunyo noong nakaraang taon at inaasahan ng Chinese media na magbubukas ito sa publiko sa susunod na buwan.

Ayon sa mga gumawa nito, gumastos umano sila ng 250 million yuan na katumbas ng 1.8 billion pesos maipagawa lamang ang anilay pinakamataas at pinakamahabang glass bridge sa buong mundo.

(UNTV RADIO)

Tags: ,