Tinatayang mahigit sa tatlongdaang libong mga taga-suporta ni President-Elect Rodrigo Duterte ang dumalo sa isinagawang thanksgiving party nito sa Crocodile Park sa Davao City noong Sabado.
Isinagawa ito bilang pasasalamat sa mga mahigit labing-anim na milyong mga pilipinong bumoto sa kanya sa katatapos na halalan sa bansa.
Highlight ng pagtitipon ang thanksgiving speech ng incoming president kung saan muli itong nagbabala magtatangkang harangin ang kanyang mga hakbang para sa pagbabago.
Dumalo rin sa pagtitipon ang mga pulitikong kaalyado ni President Elect Duterte at ilang personalidad mula sa entertainment industry upang makibahagi sa programa.
(UNTV RADIO)
Tags: Crocodile Park, President-Elect Rodrigo Duterte, thanksgiving party