Text messages at call logs ng fixer na si Mark Taguba sa mga umano’y collector ng “tara” sa BOC, idinetalye sa Senate probe

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 2448

Ipinagpatuloy kahapon ng Senado ang imbestigasyon sa umanoý katiwalian sa Bureau of Customs. Inilabas ng customs broker at fixer na si Mark Taguba ang mga text messages at call logs ng kaniyang mga transaksyon sa ilang tauhan ng BOC na umanoý tumatanggap ng tara.

Tinukoy niya ang umano’y collector ng tara na sina  Joel Pinawin, isang JoJo, Jake, Mae, Gemma Castillo at iba pa na karamihan ay nakaugnayan niya sa mga text message at tawag sa cellphone. Kaniya-kaniya namang depensa sa pagdinig ang ilan sa mga nabanggit na pangalan.

Kinwestyon naman ni Senator Panfilo Lacson ang tungkol sa paglalabas ng  Office of the Commissioner ng special stop orders sa panahon umano ni dating Commissioner Nicanor Faeldon. Sa ilalim aniya nito, ipinatitigil pa rin ang paglalabas ng kargamento kahit na nagbayad na ng “tara” ang may-ari.

Kinuwestyon din ng senador ang karapatan ng isang technical consultant na si Michael Sabban na nagri-request ng SSO sa Commissioner,s office.

Tinawag naman ni Faeldon  na kasinungalingan ang mga pahayag ni Sen. Lacson

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,