Test run ng tumagas na pipeline sa Makati City, pinayagan ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | June 18, 2015 (Thursday) | 1939

sc
May pahintulot na ng Korte Suprema na muling gamitin ang pipeline na pagmamay-ari ng First Philippine Industrial Corporation matapos itong ipasara noong 2010.

Halos limang taon na ang nakalipas nang magkaroon ng pagtagas ng langis sa bahagi nito sa Brgy. Bangkal Makati City at naapektuhan ang mga residente ng West Tower Condominium.

Kayat nag isyu ng Writ of Kalikasan ang Supreme Court at pinatigil ang operasyon ng pipeline na dinadaanan ng langis at krudo mula Batangas patungong Pandacan sa Maynila.

Sa resolusyong inilabas ng Korte Suprema, pinayagan ang pagsasagawa ng test run sa nasabing pipeline sa ilalim ng mahigpit na monitoring at inspeksyon ng Department of Energy.

Ito’y matapos sertipikahan ng DOE na ligtas nang gamitin ang pipeline.

Sakaling makapasa sa test run, pahihintulutan nang makabalik sa normal na operasyon ang pipeline.

Pinagsusumite naman ng korte ng tuloy-tuloy na monitoring at status report ang FPIC.

Tags: , , ,