METRO MANILA – Isa ang paggamit ng telebisyon sa mga learning modality o paraan ng paghahatid ng edukasyon ngayong darating na pasukan.
Kahapon (August 11) ay nagsimula na ang TV test broadcast ng Department of Education (DepED) sa ilang partner tv stations nito sa buong bansa.
Tatagal ito hanggang August 21 o 3 araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng klase para sa school year 2020-2021.
Sa Mega Manila, ini-ere ang mga learning material sa pamamagitan ng IBC-13 at solar learning channel mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Kabilang na rito ang Filipino, English, Araling Panlipunan para sa K-12 students at ilang lectures naman sa learning management system.
Subalit, nilinaw naman ng DepED na ang tv at radyo ay supplemental learning resources lamang at bibigyan din ng modules ang mga bata para pagbatayan nila sa pag-aaral.
Batay sa ginawang survey ng kagawaran, nasa 1.4 na mga magulang ang piniling gumamit ng telebisyon para sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang 900,000 naman sa radyo.
Pinakamarami naman ang pumili ng modular o paggamit ng printed o digital materials na umabot sa 8.8-M.
“Mayroon combination of TV and radyo mayroon tayong programming na bawat araw mayroong asignatura na ipapalabas o i-air” ani DepED Usec. Jess Mateo.
(Dante Amento | UNTV News)
Tags: LearNING MODALITY, Test Broadcast