METRO MANILA – Nanatiling isa sa mga pinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ayon sa resulta nang isinagawang survey ng PUBLiCUS Asia Incorporation.
Batay sa 2021 PAHAYAG Fourth Quarter Survey, pumangalawa ang TESDA sa most trusted government
agency na may 41.6% trust ratings at approval ratings na may 67.7%.
Matatandaang sa first at second quarter ng taon ay isa rin ang TESDA sa pinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno sa parehong trust ratings at approval ratings.
Isinagawa ang survey sa 1,500 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa noong December 6-10, 2021.
Kilala ang TESDA bilang ahensya na nagbibigay ng libreng skills training program sa mga mamamayan ng bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong 115 courses ang TESDA Online Program (TOP) bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang pagpapalawig ng ahensya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si TESDA Secretary Isidro Lapeña sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala ng mga Pilipino sa ahensya.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: TESDA