Terminong “Alert Level 0”, hindi pa pinal at maaaring magdulot ng kalituhan sa mga Pilipino – DOH

by Radyo La Verdad | March 16, 2022 (Wednesday) | 6155

METRO MANILA – Nilinaw ng Health Department na walang pormal na deklarasyon ng pagkakaroon ng Alert Level 0 sa kasalukuyang alert level system ng bansa.

Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, maaaring makalito sa publiko kapag ginamit ang naturang termino

“Iyong Alert Level 0 na terminology natin, it’s not a final term yet It’s like the stage, in our situation right now kung saan magkakaroon tayo na mas manageable ang ating mga kaso, mas makikita natin na nakakaagapay mismo ang ating healthcare system, mas mataas ang bakunahan. This is a transitional stage where we can go to this new level, to this new regime of alert level system” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sinabi naman ng Metro Manila mayors na sakaling magpatupad ng Alert Level zero sa bansa, handa sila sa naturang scenario

Samantala, nasa low risk na ang mga lugar sa Pilipinas kabilang na ang mga nasa nasa Alert Level2

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases, naoospital at nasasawi dulot ng COVID-19.

Umaabot na lang sa 559 ang daily average case sa Pilipinas sa loob ng 7 araw.

162 na lang din kada araw ang naitatalang kaso sa Metro Manila.

Ngunit ayon sa DOH, hindi ibig sabihin nito na magpaka-kampante na ang lahat at maaari nang magluwag ng tuluyan sa mga umiiral na health at safety protocols kontra COVID-19

Ayon sa health experts, hangga’t may naitatalang kaso, naoospital at may mga lugar pang mababa ang vaccination coverage.

Hinihikayat pa rin ang mga Pilipino na patuloy na magsusuot ng face mask, mag- isolate kapag nakaranas ng anomang sintomas ng COVID-19 at mapanatili ang sapat na bentilasyon sa mga enclosed spaces

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,