Terminal fee ng mga OFW na hindi na-refund, maaari pa ring makuha sa opisina ng MIAA

by Radyo La Verdad | November 30, 2016 (Wednesday) | 1114

mon_monreal
Tiniyak ng Manila International Airport Authority na maaari pa ring makuha ng mga Overseas Filipino Worker ang mga terminal fee na hindi nila na-refund.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, kailangan lamang ipakita ng mga OFW ang kanilang ticket upang makakuha ng refund.

Ngunit paglilinaw ng MIAA, ang hawak lamang nila na terminal fee ay ang mga nai-remit sa kanila ng airline companies.

Sa ngayon ay umaabot na sa bilyong piso ang nakolektang terminal fee ng MIAA, kalahati sa mga ito ay mga hindi nakuha ng mga OFW.

Samantala, inanunsyo na rin ng MIAA na simula sa March 2017 ay exempted na ang lahat ng mga OFW sa pagbabayad ng 550 pesos na terminal fee sa mga paliparan.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,