Term extension ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, indefinite!

by Radyo La Verdad | February 23, 2018 (Friday) | 7039

Hindi tiyak kung hanggang kailan ang term extension ni Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay Bato, hindi niya naitanong sa Pangulo sa pag-uusap nila kagabi kung hanggang kailan siya mananatili sa serbisyo.

Base sa Republic Act  6975, ang termino ng PNP Chief ay hindi lalampas ng apat na taon maliban kapag mayroong “national emergency” kung saan maaaring i-extend ng Pangulo ang termino ng Chief PNP hanggang kung kelan niya gusto.

Noong September 2016, idineklara ng Pangulo ang state of national emergency matapos ang Davao bombing at hanggang ngayon ay hindi pa ito binabawi ng Pangulo.

Noong Jan. 21 pa sana ang retirement date ni Bato kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan ngunit pinaliwag ito ng tatlong buwan. At noong isang araw nga ay muli na namang itong in-extend dahil kuntento raw ang Pangulo sa serbisyo ni Bato.

Tanong tuloy ng ilan, payag ba siya kung sasagarin ng Pangulo hanggang sa 2022 ang kaniyang termino?

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,