Term extension ni Pangulong Durterte, nakadepende sa desisyon ng publiko ayon sa Federalism Institute

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 1513

Tiniyak ni PDP Laban Federalism Institute Chief Jonathan Malaya sa programang Get it Straight with Daniel Razon kaninang umaga na matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Pero dahil may mga panukalang magkaroon ng transition period, wala daw sa kanila ang pinal na desisyon ukol term extension ng Pangulo.

Samanatala sa federalism version ng PDP Laban, ipinauubaya na sa publiko kung aalisin na ang opisina ng Bise Presidente.

Pero sakaling manatili ang Office of the Vice President, ito ang nais nilang baguhin ang kasalukuyang sistema. Maglalagay narin umano sila  ng depinisyon ng political dynasty sa panukalang bagong Saligang Batas upang agad  na maipatupad.

Magiging 2 party system nalang umano ang bansa at papalitan na ang proportional representation ang kasalukuyang partylist system.

Samanatala, aminado si Malaya na hindi pa tiyak kung magkano ang pondong magagastos sa pagpapalit  ng Saligan Batas at hindi parin tukoy kung saan kukunin ito.

Naniniwala si Malaya na malaki ang pagbabagong magagawa ng pederalismo sa pamumuhay ng bawat Pilipino lalo na sa mga probinsyang madalas napagkakaitan ng pondo.

Pero nakasalalay parin umano ang epektibong pederalismo sa tamang mga taong iluluklok sa bawat posisyon sa gobyerno.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,