Term extension at 2019 no election para sa mga kongresista, self serving – House Panel

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 1054

Hindi magandang halimbawa para kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado na mismong mga kongresista pa ang humihiling ng dagdag na isa hanggang tatlong taong term extension.

Aniya, dapat pa ring sundin ang kasalukyang Saligang Batas hangga’t hindi pa naaaprubahan ang panukalang pederalismo.

Pero ayon kay ABS Party-list Rep. Micheal de Vera, isa sa principal author panukalang pag-amyenda sa kasalukuyang Saligang Batas, kailangang magkaroon ng transitory government para maging maayos ang pagpapalit ng konstitusyon. Kaya tama lang naman daw na manatili ang mga mambabatas dahil sila na ang nagsimula ng hakbang tungo sa pederalismo.

Para naman kay Mindoro Rep. Reynaldo Umali, kung hindi ipo-postpone ang eleksyon sa 2019 hindi nila mahaharap ang mga trabahong kailangan gawin.

Lumutang ang isyu ng term extension at no election scenario sa 2019 nang ipahayag ito ni House Speaker Pantalen Alvarez upang bigyang-daan umano ang paglipat ng bansa sa pederalismo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,