Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maayos ang nakatakdang unang paghaharap nila ng personal ni U.S. President Donald Trump.
Itinuturing ng punong ehekutibo na isang mahalagang world leader ang pangulo ng Amerika.
Inaasahang magkakaroon ng bilateral talks ang dalawa sa pagdating sa bansa ni President Trump para sa ASEAN Summit sa November 12 hanggang 13.
Ayon kay Pangulong Duterte, ilan sa mga posibleng matalakay ay ang mga isyung may kaugnayan sa tensyon sa Korean Peninsula, terorismo at iligal na droga.
Kinakailangan din aniyang mahikayat sa isang pakikipag-usap si North Korean Leader Kim Jong Un at matiyak sa kaniyang walang magiging digmaan o walang planong alisin siya sa kaniyang posisyon.
Dagdag pa ng punong ehekutibo, China ang bansang tiyak na makapagpapakalma sa North Korea, katuwang ang ibang bansa tulad ng Japan, Estados Unidos at South Korea .
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Korean Peninsula, Pangulong Duterte, President Donald Trump